
Dabog at pasaring ang nadatnan ng ina
Nang di pagbigyan ang gustong bagong selpon ng bata
Naisip niyang isama sa mga pamilihan at makita
Ang tunay na sitwasyon ng ating bansa
Nagulat ang bata sa taas ng presyo ng mga produkto
Mga lulutuin, babaunin at mga panlinis lang sasakto
Ipinaliwanag ng ina ang implasyon ay may malaking epekto
Para mabili ang mga pangangailangan na sapat at hindi perpekto
Napaluha ang bata at nahiya sa kanyang naging asal sa bahay
Habang nagbibilang ang ina ng mga barya para sa dyip na inaantay
Nagulat ang ina na nagtaas na pala ang pamasahe sa sakay
Nagkamot ng ulo ang drayber at sinabi ang pagtaas ng presyo ng langis na walang humpay
Pagdating sa bahay ay mahigpit na hinagkan ng bata ang ina at agad humingi ng paumanhin
Sinabing hindi na niya kailangan ang bagong selpon at ibinahagi ang kanyang bagong mithiin
Dadamayan niya ang kanyang ina para pagkasyahin ang badyet at ang kanyang pag-aaral ay kanyang pagsisikapin
Pag-iimpok at wastong paggastos ang kanyang paiiralin



